Pangulong Tsino, binigyan-diin ang pagtatayo ng Magandang Tsina

2023-11-08 16:12:47  CMG
Share with:

Hinimok kahapon, Nobyembre 7, 2023, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang higit pang pagsisikap upang komprehensibong pasulungin ang pagtatatag ng Magandang Tsina, at pabutihin ang mekanismo ng pagsusuperbisa para sa mga natural na monopolyong network.


Sinabi ito ni Xi habang nangungulo sa ikatlong pulong ng Central Commission for Comprehensively Deepening Reform.

 

Inaprobahan sa komisyon ang mga alituntunin hinggil sa mga isyung kinabibilangan ng pangangalaga sa kapaligiran at mga operasyong kapital ng estado.

 

Binigyan-diin ni Xi na ang pagtatatag ng isang Magandang Tsina ay mahalagang hangarin ng pagtatatag ng modernong sosyalismong bansa sa lahat ng aspeto.

 

Sa pagpapabuti ng mekanismo ng pagsusuperbisa para sa mga natural na monopolyong network, hinimok ni Xi na palakasin ang disenyong institusyonal, pabutihin ang sistema ng regulasyon, para mas mabuting matugunan ang pangangailangan ng pagtatatag ng modernong sistema ng imprastruktura at mas mapangalagaan ang pambansang seguridad.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil