Sa pamamagitan ng video, bumigkas Miyerkules, Nobyembre 8, 2023 ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng World Internet Conference Wuzhen Summit.
Ipinagdiinan ni Xi na kailangang palalimin ng komunidad ng daigdig ang pagpapalitan at pragmatikong kooperasyon, upang magkasamang pasulungin ang pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan sa cyberspace sa makabagong yugto.
Ipinanawagan niya ang pagbibigay-priyoridad sa pag-unlad, upang ihatid ng bunga ng pag-unlad ng internet ang benepisyo sa mas maraming bansa’t mamamayan.
Hinimok din niya ang pagtatatag ng mas mapayapa’t ligtas na cyberspace.
Kailangang igalang ang cyber sovereignty at landas ng iba’t ibang bansa sa internet governance, at tutulan ang hegemonismo, bloc confrontation at arms race sa cyberspace, dagdag ni Xi.
Nanawagan siyang itatag ang mas pantay at inklusibong cyberspace.
Kailangan aniyang palaganapin ang komong kahalagahan ng sangkatauhan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil