Panunungkulan ni Robert Mambe Beugre bilang bagong punong ministro ng Cote d'Ivoire, binati ng premyer Tsino

2023-11-08 15:53:02  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Martes, Nobyembre 7, 2023 ni Premyer Li Qiang ng Tsina kay Robert Mambe Beugre, upang bumati sa panunungkulan niya bilang bagong punong minsitro ng Cote d'Ivoire.

 

Saad ni Li, ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Cote d'Ivoire.

 

Aniya, sa kasalukuyan, mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng bilateral na relasyon, tumataas ang pagtitiwalaang pulitikal, at mabungang mabunga ang kooperasyon ng kapuwa panig sa Belt and Road.

 

Kasama ni Mambe, nakahanda aniya siyang magpunyagi, upang ipatupad ang mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at pasulungin ang walang humpay na pagtamo ng mapagkaibigang kooperasyon nila ng mga bagong bunga.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil