Pagdaragdag ng kalakalan at pagpapalakas ng kooperasyon, napagkasunduan ng Tsina at Cote d'Ivoire

2022-12-21 23:00:54  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono, Disyembre 20, 2022, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Alassane Ouattara ng Cote d'Ivoire.

 

Sumang-ayon ang dalawang lider na lubos na ipagdiwang ang ika-40 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa sa susunod na taon.

 

Sinabi ng dalawang pangulo, na dapat dagdagan ng Tsina at Cote d'Ivoire ang kalakalan ng mga produktong agrikultural, palakasin ang kooperasyon sa pagtatanim at pagpoproseso ng palay at cocoa, at palawakin ang kooperasyon sa didyital na ekonomiya at bagong enerhiya.

 

Ipinahayag din nila ang kahandaang ipatupad ang Global Development Initiative at plano ng aksyon ng Porum sa Kooperasyon at Tsina at Aprika, para patuloy na itaguyod ang pag-unlad ng buong Aprika.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan