Blinken at PM ng Iraq, tinalakay ang alitan sa Gaza

2023-11-06 16:13:14  CMG
Share with:

Dumating Linggo ng gabi, Nobyembre 5, 2023, sa Baghdad, kabisera ng Iraq, si Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, at nakipag-usap kay Punong Ministro Mohammed Shia' al-Sudani ng Iraq hinggil sa kasalukuyang alitan ng Israel at Hamas sa Gaza Strip.

 

Inulit ni Al-Sudani ang panawagan ng Iraq sa agarang tigil-putukan at pagbubukas ng safe corridors para maiwasan ang paglala ng makataong krisis, na lubhang nakaapekto sa mga sibiliyan, kabilang ang mga kababaihan at kabataan.

 

Ipinahayag naman ni Blinken ang kahandaan ng Amerika na ipagpatuloy ang bilateral na koordinasyon at kooperasyon sa Iraq para pahusayin ang rehiyonal at pandaigdigang katatagan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil