Gagawing biyahe ni Xi Jinping sa Amerika, mahalaga

2023-11-11 07:54:08  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag kahapon, Nobyembre 10, 2023, ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa paanyaya ni Pangulong Joe Biden ng Amerika, bibiyahe mula ika-14 hanggang ika-17 ng buwang ito sa San Fransisco, Amerika, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para magsagawa ng pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa, at dumalo sa ika-30 Economic Leaders' Meeting ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

 

Ito ang magiging unang face-to-face na pagtatagpo nina Xi at Biden, pagkaraan ng kanilang pagtatagpo noong isang taon sa Bali, Indonesya.

 

Anang pahayag ng Ministring Panlabas ng Tsina, isasagawa ng dalawang lider ang malalim na komunikasyon tungkol sa mga isyung may estratehiko, pangkalahatan, at pundamental na kahalagahan sa relasyong Sino-Amerikano, at mga pangunahing isyung may kinalaman sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

 

Kaugnay naman ng pagdalo ni Xi sa ika-30 Economic Leaders' Meeting ng APEC, ayon sa pahayag, bibigkas siya ng talumpati sa pulong, para ilahad ang mga mahalagang panukala ng Tsina sa pagpapalalim ng kooperasyon sa Asya-Pasipiko at pagpapasulong ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig.

 

Umaasa ang Tsina, na matatamo sa pulong ang mga positibong bunga, para bigyan ng bagong lakas ang pag-unlad ng Asya-Pasipiko at buong mundo, at pasulungin ang pagbuo ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Asya-Pasipiko, dagdag ng pahayag.


Editor: Liu Kai