Pangalawang Premyer Tsino, dumadalaw sa Amerika para sa mga isyu ng kabuhayan at kalakalan

2023-11-11 09:59:01  CMG
Share with:

Sa preskong idinaos kahapon, Nobyembre 10, 2023, local time, sa San Fransisco, Amerika, isinalaysay ni Liao Min, Pangalawang Ministrong Pinansyal ng Tsina, ang kalagayan tungkol sa ginagawang pagdalaw sa Amerika ni He Lifeng, Pangalawang Premyer Tsino at namumunong opisyal ng panig Tsino sa mga suliranin ng kabuhayan at kalakalan ng Tsina at Amerika.

 

Ayon kay Liao, sa panahon ng pagdalaw, isinagawa nina He at Janet Yellen, Kalihim ng Tesorerya ng Amerika, ang ilang beses na pag-uusap, para pasulungin ang pagbalik ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa sa landas ng malusog at matatag na pag-unlad.

 

Ipinahayag nina He at Yellen ang pagtanggap sa pagtatatag at pagdaraos ng mga pulong ng mga working group ng Tsina at Amerika sa kabuhayan at pinansyo. Isasagawa nilang mismo ang direkta at regular na pag-uugnayan, dagdag ng dalawang opisyal.

 

Binigyang-diin nilang dapat buuin ang malusog na relasyong pangkabuhayan ng Tsina at Amerika, para magkaloob ng kapaligiran ng patas na kompetisyon sa mga bahay-kalakal at manggagawa ng dalawang bansa.

 

Sinang-ayunan din ng dalawang panig na magkasamang harapin ang mga hamon sa paglaki ng kabuhayan, at katatagan at regulasyong pinansyal, at isagawa ang kooperasyon sa mga isyung ekonomiko sa aspekto ng pagbabago ng klima, at isyu ng pautang ng mga may mababang kita at bagong sibol na ekonomiya.

 

Ayon pa rin kay Liao, ipinahayag naman ng panig Tsino ang pagkabahala sa mga hakbangin ng Amerika ng paglilimita sa two-way na pamumuhunan, pagpataw ng mga sangsyon laban sa mga bahay-kalakal na Tsino, pagkontrol sa pagluluwas sa Tsina, at pagdaragdag ng taripa sa Tsina. Hiniling aniya ng panig Tsino sa panig Amerikano na tugunan ang mga ito sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.


Editor: Liu Kai