“Kapayapaan at Pagkakaibigan-2023” multinational joint exercise, opisyal ng binuksan

2023-11-14 16:00:27  CMG
Share with:

Binuksan umaga ng Nobyembre 13, 2023, sa lunsod Zhanjiang ng lalawigang Guangdong, ang magkasanib na pagsasanay na militar na may pamagat “Kapayapaan at Pagkakaibigan-2023.”

 

Magkasanib na pagsasanay na militar na may pamagat “Kapayapaan at Pagkakaibigan-2023” (photo from Xinhua)


Dumalo sa seremoniya ng pagbubukas ang mga opisyal at sundalo mula sa Tsina, Kambodya, Laos, Malaysia, Thailand, at Biyetnam.

 

Ang pagsasanay na ito ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga kalahok na panig sa urban anti-terrorism, maritime anti-terrorism at anti-piracy, higit pang palalimin ang pagtitiwalaang militar at pragmatikong kooperasyon, at sama-samang panatilihin ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

 

Ayon pa sa ulat, ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pagsasanay na idinaos sa Tsina at may pinakamaraming bilang ng mga kalahok na bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil