MOFA: hindi hinahangad na baguhin ng Tsina ang Amerika, at hindi dapat maghangad na hubugin o baguhin ng Amerika ang Tsina

2023-11-14 15:55:07  CMG
Share with:

Kaugnay ng gaganaping pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Amerika, ipinahayag Nobyembre 13, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi hinahangad ng Tsina na baguhin ang Amerika, at hindi dapat maghangad na hubugin o baguhin ng Amerika ang Tsina.

 

Ipinahayag ni Mao na sa mula’t mula pa’y tinitigan at hinahawakan ng Tsina ang relasyong Sino-Amerikano alinsunod sa tatlong prinsipyo ng paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamumuhay, at win-win na kooperasyon na inilahad ni Pangulong Xi Jinping.

 


Umaasa ang Tsina na susundin ng Amerika ang nitong pangako na hindi ipapatupad ang “bagong Cold War,” walang intensyong ilunsad ang alitan sa Tsina, at magkasamang pasulungin ang relasyong Sino-Amerikano na babalik muli sa landas ng malusog at matatag na pag-unlad.

 

Kaugnay ng isyu ng Taiwan, tinukoy ni Mao na ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina at ang paglutas sa isyung ito ay usapin ng mga mamamayang Tsino, at hindi maaaring manghimasok ang anumang puwersang panlabas.

 

Dapat sundin ng Amerika ang prinsipyong isang-Tsina at tutulan ang “pagsasarili ng Taiwan” sa pamamagitan ng kongretong aksyon.

 

Kaugnay ng isyu ng South China Sea, ipinahayag ni Mao na malinaw na ipinahayag ng Tsina ang kaugnay na posisyon ng Tsina sa maraming pagkakataon.

 

Kaugnay ng alitan ng Palestina at Israel, ipinahayag ni Mao na ang Tsina ay palagiang naninindigan sa panig ng pagiging patas at makatarungan, pinapanatili ang mahigpit na pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang kinauukulang panig, at nakatuon sa pagpapahupa ng sitwasyon at pangangalaga sa mga sibilyan.


Salin:Sarah

Pulido:Ramil