Papel ng mga mamamayan sa ugnayang Sino-U.S., ipinagdiinan ni Xi

2023-11-16 14:49:10  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa bangketeng panalubong ng mga mapagkaibigang organisasyon sa Amerika Miyerkules (local time), Nobyembre 15, 2023, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang mga mamamayan ay pundasyon ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Aniya, ang pinto ng ugnayang Sino-Amerikano ay binuksan ng kanilang mga mamamayan, ang mga kuwentong may kinalaman sa relasyong Sino-Amerikano ay sinulat ng kanilang mga mamamayan, at ang kinabukasan ng relasyong Sino-Amerikano ay lilikhain din ng kanilang mga mamamayan.

 

Hinimok ni Xi na ilatag ang mas maraming tulay at ibigay ang mas maraming daan para sa pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Hindi dapat ilagay ang mga hadlang o likhain ang isang chilling effect, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil