Relasyong Sino-US, dapat maghatid ng biyaya sa mga mamamayan at magsabalikat ng pananagutan sa progreso ng sangkatauhan – Xi Jinping

2023-11-16 12:30:17  CMG
Share with:


Filoli Estate, San Francisco – Sinabi Miyerkules (local time), Nobyembre 15, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na bilang pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig, dapat maunawaan at tanawin ang relasyong Sino-Amerikano sa pabagu-bagong kalagayang pandaigdig na walang katulad sa loob ng isang siglo.

 

Dapat ihatid ng relasyon ng dalawang bansa ang biyaya sa kani-kanilang mga mamamayan, samantalang isabalikat ang pananagutan para sa progreso ng sangkatauhan, dagdag niya.

 

Winika ito ni Xi sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Joe Biden ng Amerika.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil