Tsina, aanyayahan ang 50,000 kabataang Amerikano sa darating na 5 taon para sa pagpapalitan

2023-11-16 15:01:55  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa isang bangketeng panalubong sa San Francisco, Amerika, Miyerkules (local time), Nobyembre 15, 2023, inanunsyo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahandaan ng bansa na anyayahan ang 50,000 kabataang Amerikano sa mga programa ng pagpapalitan at pag-aaral sa darating na 5 taon, upang mapahigpit ang pagpapalitan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, lalung lalo na, ng mga kabataan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil