Espesyal na regalo mula sa mga estudyante ng mataas na paaralan ng Amerika

2023-11-17 16:47:58  CMG
Share with:

Nobyembre 16, 2023, San Francisco – Sa diyalogo ng Tsina at Amerika sa pagpapalitang tao-sa-tao, inihanda ng mga estudyante ng Lincoln High School sa Tacoma, Washington ang isang pintang pinamagatang “Magkakasama para sa Kinabukasan” kina Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina.

 


Kitang-kita rito ang pagkakahalo ng mga elementong Tsino na gaya ng giant panda at decorated archway, at mga elemento ng estado ng Washington na gaya ng marmot at Space Needle, na sumisimbolo ng pagkakaibigan ng Tsina at Amerika.

 


Samantala, nalalapit na ang kaarawan ni Unang Ginang Peng Liyuan, at sa pamamagitan ng birthday card at awitin, ipinaabot ng mga estudyante ang pagbati kay Peng.

 


Ang nasabing pinta ay ini-abot naman ni Presidente Shen Haixiong ng China Media Group (CMG) sa unang ginang ng Tsina.

 

Matatandaang noong Setyembre 2015, bumisita sa Lincoln High School sina Xi at Peng, at nagbigay sila ng mga aklat at kagamitan para sa larong table tennis sa mga estudyante.

 

Bilang pasasalamat, inihandog ng mga estudyante ang isang awiting Tsino at isang awiting Ingles sa mag-asawa.

 

Ang nasabing aktibidad ay magkasamang itinaguyod ng CMG at US-China Youth and Students Exchange Association.

 

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio