Papel ng mga mamamayan sa ugnayang Sino-U.S., ipinagdiinan ni Xi sa bangketeng panalubong sa San Francisco

2023-11-16 19:02:02  CMG
Share with:

Isang bangketeng panalubong ang inihandog Miyerkules (local time), Nobyembre 15, 2023 sa San Francisco ng mga grupong pangkaibigan ng Amerika para kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

 

Sa kanyang talumpati sa bangkete, ipinagdiinan ni Pangulong Xi na ang mga mamamayan ay pundasyon ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Aniya, ang pinto ng ugnayang Sino-Amerikano ay binuksan ng kanilang mga mamamayan, ang mga kuwentong may kinalaman sa relasyong Sino-Amerikano ay sinulat ng kanilang mga mamamayan, at ang kinabukasan ng relasyong Sino-Amerikano ay lilikhain din ng kanilang mga mamamayan.

 

Hinimok ni Xi na ilatag ang mas maraming tulay at ibigay ang mas maraming daan para sa pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Hindi dapat ilagay ang mga hadlang o likhain ang isang chilling effect, dagdag niya.

 


Diin ni Xi, hindi ilulunsad ng Tsina ang cold war o hot war laban sa sinuman.

 

Kahit anong hakbang ng pag-unlad ang aabutin, magpakailanma’y hindi maghahangad ang Tsina ng hegemonismo at ekspansyon, at hindi magpapataw ng sariling mithiin sa iba, dagdag niya.

 

Inanunsyo rin niya ang kahandaan ng bansa na anyayahan ang 50,000 kabataang Amerikano sa mga programa ng pagpapalitan at pag-aaral sa darating na 5 taon, upang mapahigpit ang pagpapalitan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, lalung lalo na, ng mga kabataan.

 

Sa ngalan ng kanyang pamahalaan, inihayag ni Gina Raimondo, Kalihim ng Komersyo ng Amerika ang mainit na pagtanggap kay Xi.

 

Aniya, nagpupunyagi ang Amerika upang paunlarin ang pangmalayuan at matatag na relasyon sa Tsina, palakasin ang pag-uugnayan at diyalogo, iwasan ang maling pagkaunawa at miskalkulasyon, responsableng kontrulin ang mga alitan, at likhain ang kinabukasang may komong kasaganaan ng dalawang bansa.

 


Bago ang bangkete, nakipagtagpo si Xi sa mga kinatawan ng sirkulo ng komersyo at iba’t ibang sirkulo ng lipunan, at mga mapagkaibigang personahe ng Amerika.

 

Pinasalamatan niya ang ginawang ambag nila para sa pagpapasulong sa pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino’t Amerikano.

 

Nananalig aniya siyang tuluy-tuloy na ipapamana at uunlad ang pagkakaibigan ng mga mamamayan at bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil