Aktibidad na tinaguriang “Pangmatagalang Pagkakaibigan,” idinaos ng Tsina at Amerika sa San Francisco

2023-11-17 16:38:42  CMG
Share with:

San Francisco, Amerika – Sa kanyang talumpati, Nobyembre 16, 2023 (lokal na oras), sa aktibidad na tinaguriang “Pangmatagalang Pagkakaibigan,” na magkasanib na inorganisa ng China Media Group (CMG) at U.S.-China Youth and Student Exchange Association, sinabi ni Presidente Shen Haixiong ng CMG, na ang relasyong Sino-Amerikano ay ang pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig, at ginaganap ng mga media ang importanteng papel sa pagpapasulong ng pagpapalitang pangkultura at pagpapalalim ng pagkakaibigan ng dalawang panig.

 

Si Shen Haixiong, Presidente ng CMG



Kaugnay nito, sa mula’t mula pa’y nagsisikap aniya ang CMG para itatag ang tulay ng kooperasyon at pagpapalitan.

 

Umaasa ang CMG na makikisanggot ang mas maraming tao sa usaping ito para magkakasamang ibigay ang ambag tungo sa inaasam na layunin, ani Shen.

 

Samantala, magkakahiwalay na nilagdaan ng CMG at U.S.-China Youth and Student Exchange Association, Sino-American Aviation Heritage Foundation at Helen Foster Snow Foundation ang Memorandum of Cooperation (MOC) hinggil sa pagpapalakas ng pagpapalitan sa kultura, balita, edukasyon at iba pa.

 

Layon nitong magbigay ng bagong puwersa para sa pagpapasulong ng ugnayan sa pagitan ng kulturang Tsino’t Amerikano.

 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio