Delegasyong Tsino, dumalo sa ADMM-PLUS

2023-11-17 16:34:19  CMG
Share with:

Dumalo, Nobyembre 16, 2023 sa Jakarta, Indonesya ang delegasyon ng Ministri ng Pambansang Depensa ng Tsina, sa Ika-10 Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Defense Ministers' Meeting Plus (ADMM-PLUS).

 


Kaugnay nito, sinabi ni Tagapagsalita Zhang Xiaogang ng naturang ministri, na nanawagan ang delegasyong Tsino sa lahat ng panig na isagawa ang tunay na multilateralismo, manangan sa tamang konsepto ng seguridad, at igiit ang konsultasyon at kooperasyon, sa halip ng alitan at komprontasyon.

 

Dagdag niya, kailangang tupdin ng lahat ng panig ang kanilang responsibilidad tungo sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.

 

Samantala, suportado aniya ng Tsina ang sentralidad ng ASEAN sa rehiyonal na arkitektura.

 

Kasama ang lahat ng miyembro ng ADMM-PLUS, magsisikap ang Tsina para sa komong pag-unlad upang makamit ang rehiyonal na kapayapaan at katatagan, saad niya pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio