Tsina, tinutulan ang pag-hype up ng Australia sa engkwentro sa pagitan ng mga barko ng Tsina at Australia sa East China Sea

2023-11-22 16:47:54  CMG
Share with:

Kaugnay ng pag-hype up ng Australia sa engkwentro sa pagitan ng mga barkong pandigma ng Tsina at Australia sa East China Sea, ipinahayag Nobyembre 20, 2023, ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang pananalita ng Australia ay “ganap na di-totoo”, matatag na tinututulan ito ng Tsina at inilahad ang solemnang representasyon hinggil dito.

 

Si Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina(file photo)


Kamakailan, ipinahayag ni Wu na ang HMAS Toowoomba Frigate ng Australia, ay nagsasagawa ng operasyon malapit sa dagat ng East China Sea, at sinusubaybayan ito ng CNS Ningbo destroyer warship, alinsunod sa batas.

 

Mahigpit na sinusunod ng mga barkong Tsino ang mga pandaigdigang regulasyon, at hindi isinagawa ang anumang aktibidad na posibleng maapektuhan ang operasyon ng panig Australyano.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil