Joseph Nyumah Boakai, naihalal na Pangulo ng Liberia: mensaheng pambati, inihayag ng pangulong Tsino

2023-11-23 16:43:40  CMG
Share with:

Sa mensaheng pambati, Nobyembre 21, 2023 kay Joseph Nyumah Boakai, sa kanyang pagkakahalal bilang Pangulo ng Liberia, pinuri ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pangulong Liberiano sa kanyang kontribusyon sa pagpapasulong ng prinsipyong isang-Tsina sa iba’t-ibang sirkulo ng Liberia.

 


Aniya, magkakasamang nagsikap ang mga Tsino’t Liberiano sa paglaban sa pandemiya ng Ebola at Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at isinagawa ang mabisang kooperasyon sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

 

Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon sa Liberia, at kasama ng Liberia, nakahandang magsikap ang Tsina upang mapalalim ang magpakaibigang pagtitiwalaan, at mapalakas ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, para maibigay ang mas malaking benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, saad ni Xi.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio