MOFA: pangmatagalan at epektibong pandaigdigang superbisyon, kailangang kailangan para sa pagtatapon ng Hapon ng nuklear na kontaminadong tubig

2023-11-24 17:25:05  CMG
Share with:

Tumatagal na ng tatlong buwan ang pagtatapon ng Tokyo Electric Power Company ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat mula sa Fukushima nuclear power plant.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Nobyembre 23, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kasabay ng parami ng parami ang nuklear na kontaminadong tubig sa dagat, hiniling ng komunidad ng daigdig na apurahin ang pagtatatag ng pangmatagalan at epektibong pandaigdigang pagsusuperbisa.

 


Binigyan-diin ni Mao na ang pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat ay may kaugnayan sa kalusugan ng tao, pandaigdigang kapaligirang pandagat, at pandaigdigang interes ng publiko.

 

Dapat solemnang harapin ng Hapon ang makatuwirang pagkabalisa sa loob at labas ng bansa, at maayos na hawakan ang isyung ito batay sa responsable at konstruktibong paraan.

 

Ipinahayag ni Mao na dapat ganap na makipagtulungan ang Hapon sa pagtatatag ng isang pangmatagalan at epektibong internasyunal na kaayusan sa pagsusuperbisa na may malaking partisipasyon ng mga kalapit na bansa ng Hapon para maiwasan ang masamang bunga ng pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil