CMG Komentaryo: Kailangang isagawa ang pangmatagalan at mabisang pandaigdigang pagsusuperbisa sa pagtatapon ng Hapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat

2023-11-03 16:23:33  CMG
Share with:

Sa kabila ng matinding oposisyon mula sa loob at labas ng bansa, inilunsad Nobyembre 2, 2023, ng Tokyo Electric Power Company (TEPCO) ang ikatlong round ng pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat mula sa Fukushima nuclear power plant.

 


Ayon sa pahayag ng kompanya, ang naitapong nuklear na kontaminadong tubig ay angkop sa inaasahang kaligtasan.

 

Gayunpaman, isang linggo ang nakalipas, naganap ang isang insidente sa Fukushima nuclear power plant na isinaboy sa mga kawani ang nuklear na kontaminadong tubig, at dalawang kawani ang isinugod sa ospital. Ipinapakita lamang nito na hindi mapagkakatiwalaan ang pag-angkin ng panig Hapon sa umano’y “ligtas” na paghahawak ng nuklear na kontaminadong tubig at hindi dapat maliitin ang problemang ito.

 

Nitong ilang taong nakalipas, buong lakas na ipinagmalaki ng pamahalaang Hapones at TEPCO na ang paghawak ng ALPS ng nuklear na kontaminadong tubig ay umabot sa safety standards. Pero, ayon sa estadistika na inilabas ng Hapon noong Marso ng taong ito, humigit-kumulang 70% ng nahawakang nuklear na kontaminadong tubig ang hindi umabot sa discharge standards at kailangang linisin muli.

 

Ngayon, mahigit dalawang buwan na ang nakalipas sapul nang sinimulan ng Hapon ang pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat. Pinapakita ng pinakahuling insidenteng ito na kinakailangang isagawa ang pangmatagalan at mabisang pandaigdigang pagsusuperbisa.

 

Dapat hawakan ng Hapon ang nuklear na kontaminadong tubig sa responsableng paraan at suportahan ang pagtatatg ng pangtagalang mekanismo ng pagsusuperbisa na ganap na lalahukan ng iba’t ibang kinauukulang panig, kabilang ang pagsusuperbisa ng third-party na independiyenteng ipinatupad ng ibang bansa.

 

Ang dagat ay komong bahay ng buong sangkatauhan, at hindi dapat pagbayaran ng buong mundo ang pagiging makasarili ng Hapon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil