Sa unang araw ng 4-araw na tigil-putukan sa Gaza Strip, pinalaya kahapon, Nobyembre 24, 2023, ng mga armadong tauhan ng Hamas ang 24 na hostage.
Inilipat ang naturang mga hostage sa awtoridad ng Ehipto sa Rafah border crossing. Ipinadala ng International Committee of the Red Cross ang walong tauhan at apat na sasakyan, para sunduin sila.
Ayon naman sa Qatar, tagapamagitan para sa tigil-putukan, kabilang sa naturang 24 na hostage ay 13 Israeli, 10 Thai, at isang Pilipino. Samantala, tatlumpu't siyam na babae at batang Palestino ang pinalaya mula sa mga bilangguan ng Israel.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos