Kasunduan sa tigil-putukan sa Gaza Strip, pormal na nagkabisa

2023-11-24 16:34:28  CMG
Share with:

Simula alas-7 ng umaga, Nobyembre 24, 2023 (lokal na oras), pormal na nagkabisa ang kasunduan ng tigil-putukan sa Gaza Strip sa pagitan ng Islamic Resistance Movement (Hamas) at Israel.

 

Ayon sa kasunduan, ititigil nang 4 na araw ang pagpapalitang-putok sa Gaza Strip, at ihihinto ng Hamas at Israel ang lahat ng mga aksyong militar.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil