30-araw na libreng-Bisang paglalakbay para sa mga Tsino, isasagawa ng Malaysia

2023-11-27 16:06:20  CMG
Share with:

Bilang pagdiriwang sa Ika-50 Anibersaryo ng Relasyong Diplomatiko ng Malaysia at Tsina sa susunod na taon, inanunsyo, Nobyembre 26, 2023, ni Punong Ministro Anwar Ibrahim ng Malaysia na 30-araw na libreng-Bisang makakadalaw sa Malaysia ang mga turistang Tsino mula Disyembre 1, 2023.

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan niya ang Tsina sa nauna nang isinasagawang unilateral na polisiya ng libreng-Bisa para sa mga Malaysiano.

 

Ilalabas ng Malaysia ang mga kaukulang panuntunan hinggil sa polisiyang nabanggit.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio