CISCE, internasyonal na plataporma sa pagpapalakas ng komunikasyon —Premyer Tsino

2023-11-29 16:37:19  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati, Nobyembre 28, 2023, sa pagbubukas ng Unang China International Supply Chain Expo (CISCE) at Porum ng Inobasyon at Pag-unlad ng Global Supply Chain, ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na ang CISCE ay alinsunod sa tunguhin ng panahon; at ito ay isang internasyonal na plataporma sa pagpapalakas ng komunikasyon ng iba’t-ibang panig, pagpapalalim ng kooperasyon, at magkakasamang pagpapasulong ng pag-unlad.

 

Si Premiyer Li Qiang ng Tsina (Photo from Xinhua)


Sa kanyang mungkahi, sinabi ni Li, na kailangang magkakasamang itatag ng iba’t-ibang panig ang matatag, ligtas, epektibo, bukas, at inklusibong industrial at supply chain na may win-win situation.

 

Sa pamamagitan ng video link, nagtalumpati rin sina Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, Pangulong Lacalle Pou ng Uruguay, at iba pang mga namamahalang tauhan mula sa mga organisasyong pandaigdig na tulad ng World Trade Organization (WTO) at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio