Taya ng paglaki ng kabuhayang Tsino, itinaas ng OECD

2023-11-30 16:43:42  CMG
Share with:

Sa pagtaya na inilabas, Nobyembre 29, 2023, ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), lalaki ng 5.2% ang kabuhayang Tsino ngayong 2023 – mas mataas ng 0.1% kumpara sa 5.1% na nauna nitong pagtaya.

 

Ayon sa OECD, malumanay ang tunguhin ng paglago ng kabuhayang pandaigdig.

 

Kaya naman, inilagay nito sa 2.9% ang taya sa paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ng mundo sa 2023, at pabababain pa ito sa 2.7% 2024.

 

Samantala, inilagay ng OECD ang nasabing datos sa 3% sa taong 2025.

 

Sinabi pa nito, na ang Asya ay patuloy na magiging sentro ng pandaigdigang paglago sa 2024 at 2025.

 

Tinya rin sa ulat na lalaki ng 2.4% ang kabuhayan ng Amerika sa taong 2023, samantalang 0.6% ang paglago ng Sona ng Euro.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio