Pagbangon ng mga kompanyang industriyal ng Tsina, patuloy sa Oktubre

2023-11-27 15:55:26  CMG
Share with:

Ini-ulat ngayong araw, Nobyembre 27, 2023 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na tuluy-tuloy at matatag na bumangon ang mga kompanyang industriyal ng bansa nitong Oktubre.

 

Anito, tumaas ng 2.7% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon ang tubo ng mga may takdang saklaw pataas na kompanyang industriyal nitong Oktubre, at patuloy na lumaki ang datos na ito nitong nakalipas na 3 buwang singkad.

 

Ayon kay Yu Weining, Istatistisyan ng nasabing kawanihan, mula noong Enero hanggang Oktubre, tuluy-tuloy na bumangon at bumuti ang tubo ng mga kompanyang industriyal ng bansa.

 

Aniya, sa susunod na yugto, dapat puspusang palawakin ang domestikong pangangailangan, pasulungin ang pag-a-upgrade ng tradisyonal na industriya, paramihin at palakihin ang mga bagong-sibol na industriya, at pasulungin ang de-kalidad na kaunlarang industriyal.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio