Tsina at Biyetnam, palalakasin ang relasyon at kooperasyon sa bagong taon

2023-12-02 17:07:35  CMG
Share with:

 

Sa pamumuno nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Pangalawang Punong Ministro Tran Luu Quang ng Biyetnam, idinaos kahapon, Disyembre 1, 2023, sa Hanoi, Biyetnam, ang ika-15 pulong ng Steering Committee for Bilateral Cooperation ng dalawang bansa.

 

Binigyan ng dalawang opisyal ng mataas na pagtasa ang pag-unlad ng relasyon at kooperasyon ng Tsina at Biyetnam sa taong ito, na ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag nila ang kahandaang sa susunod na taon, panatilihin ang pag-uugnayan sa mataas na antas, palakasin ang kooperasyon sa tanggulang bansa at seguridad, palalimin ang kooperasyon sa kadena ng industriya at suplay, padaliin ang pagpapalagayang tao-sa-tao, magkasamang itaguyod ang multilateralismo, at pasulungin ang kooperasyon sa dagat.

 

Sinang-ayunan din nilang ibayo pang patingkarin ang papel ng Steering Committee for Bilateral Cooperation, para palakasin ang pag-uugnayan ng iba’t ibang departamento ng pamahalaan ng dalawang bansa, at ilabas ang mas maraming plano ng mga konkretong kooperasyon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos