Sa araw ng Linggo, Pebrero 5, 2023, sasalubungin ng mga Tsino ang Pestibal ng Parol o Lantern Festival, na bahagi ng mga pagdiriwang para sa Bagong Taong Tsino – Taon ng Kuneho.
Kaugnay nito, ihahandog ng China Media Group (CMG), alas-otso ng gabi, Pebrero 5 ang Lantern Festival Gala.
Sa preskon ngayong umaga, Pebrero 3, isinalaysay ni Jiang Wenbo, Miyembro ng Editorial Board ng CMG, ang mga inobasyong panteknolohiya sa idaraos na gala.
Jiang Wenbo, Miyembro ng Editorial Board ng CMG
Saad ni Jiang, upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tagapagtangkilik sa iba’t-ibang plataporma na gaya ng telebisyon, radyo, at new media, sa pamamagitan ng integrasyon at inobasyon ng estratehiyang "Thought + Art + Technology" ng CMG, gagamitin sa pagtatanghal ang mga bagong teknolohiyang kinabibilangan ng 4K/8K, Artificial Intelligence (AI), Extended Reality (XR), three-dimensional color sound, at iba pa.
Inilahad naman ni Xu Guangwen, Direktor ng Arts Program Center ng CMG, ang hinggil sa mga palabas ng gala.
Ani Xu, itatanghal sa gala ang mga palabas na gaya ng katutubong awitin, opera, sayaw, at iba pa.
Xu Guangwen, Direktor ng Arts Program Center ng CMG
Kasabay nito, mapapanood din sa gala ang serye ng mga tradisyonal na gawaing kamay na inilakip sa listahan ng mga pambansang intangible cultural heritage, dagdag pa ni Xu.
Ang Pestibal ng Parol ay isa sa mga tradisyonal na kapistahan ng Tsina, at ipinagdiriwang kasabay ng unang-litaw ng bilog na buwan sa Bagong Taong Tsino.
Salin/Patnugot: Jade
Pulido: Rhio