Inanunsyo, Disyembre 4, 2023, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idaraos sa Disyembre 7, sa Beijing ang Ika-24 na Summit ng Tsina at Unyong Europeo (EU).
Sa panahon ng pulong, makikipagtagpo aniya si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kina Charles Michel, Presidente ng European Council; at Ursula von der Leyen, Pangulo ng Komisyong Europeo.
Magkakasamang pangunguluhan nina Premyer Li Qiang ng Tsina, Charles Michel at Ursula von der Leyen ng naturang pulong.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio