Wang Yi: Dapat alisin ng Tsina at EU ang mga hadlang sa kooperasyon

2023-10-14 17:23:52  CMG
Share with:

 

Magkasamang pinanguluhan kahapon, Oktubre 13, 2023, sa Beijing, nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Josep Borrell, Mataas na Kinatawan ng European Union (EU) para sa mga suliraning panlabas at patakarang panseguridad, ang Ika-12 Mataas na Diyalogong Estratehiko ng Tsina at EU.

 

Sa diyalogo, sinabi ni Wang, na dapat maayos na hawakan ng Tsina at EU ang mga pagkakaiba, at alisin ang mga hadlang sa kooperasyon, para tiyakin ang mabuti at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon.

 

Dapat itaguyod ng dalawang panig ang multilateralismo at magkasamang harapin ang mga mainitang isyu sa rehiyon at daigdig, para ibigay ang mas maraming elemento ng katatagan at katiyakan sa mundo, dagdag niya.

 

Ipinahayag naman ni Borrell, na ipinangako ng EU ang tungkol sa pagkakaroon ng konstruktibo at matatag na relasyon sa Tsina.

 

Aniya, ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng EU at Tsina ay angkop sa kapakanan ng kapwa panig, hindi sasarhan ng pinto ang Tsina, at wala itong intensyong pigilan ang pag-unlad ng Tsina.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos