Sinabi kahapon, Nobyembre 24, 2023, sa Beijing, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na kung magkakabalikat ang Tsina at European Union (EU), hindi magaganap ang pagkakawatak-watak ng daigdig, komprontasyon ng mga bloke, o bagong “Cold War.”
Winika ito ni Wang sa magkasanib na preskong nilahukan niya kasama ni Ministrong Panlabas Catherine Colonna ng Pransya pagkaraan ng kanilang pag-uusap.
Sinabi ni Wang, na kailangang igiit ng Tsina at EU ang independiyenteng patakarang panlabas, at palalimin ang kanilang komprehensibo at estratehikong partnership.
Dagdag ni Wang, ang esensiya ng kooperasyong Sino-EU ay pagkokomplemento ng mga bentahe at mutuwal na pakinabang.
Dapat aniya magkasamang magsikap ang dalawang panig, para palakasin ang katatagan ng kanilang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at panatilihin ang maayos at matatag na kedena ng industriya at suplay.
Ipinahayag din niya ang pag-asa ng Tsina, na palawakin kasama ng lalo pang bansang Europeo ang pagpapalitang tao-sa-tao.
Kaugnay naman ng relasyon at kooperasyon ng Tsina at Pransya, sinabi ni Wang, na patuloy na palalakasin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa iba’t ibang aspekto, at magkasamang haharapin ang mga hamong pandaigdig.
Nakahanda rin aniya ang Tsina, kasama ng Pransya, na ibayo pang pasulungin ang relasyon ng Tsina at EU.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos