Nag-usap sa telepono Disyembre 5, 2023, sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at David Cameron, British Secretary of State for Foreign Affairs.
Sinabi ni Wang na ipinagkaloob ng Tsina at Britanya ang pagkakataon ng pag-unlad sa isa’t isa. Inaasahan aniya ng Tsina na magkakaroon ng wastong pag-unawa ang Britanya sa Tsina at mauunawaan ang pangkalahatang direksyon ng pag-unlad ng relasyong Sino-Britaniko.
Sinabi ni Wang na palagiang matatag na tumatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad. Sa harap ng nagbabagong internasyonal na sitwasyon at pandaigdigang hamon, dapat panatilihin ng Tsina at Britanya ang komunikasyon at diyalogo, palakasin ang koordinasyon at palalimin ang kooperasyon, ani Wang.
Ipinahayag naman ni Cameron na ang pag-uugnayan at pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at Britanya ay angkop sa kapakanan ng kapuwa panig.
Nagsisikap aniya ang Britanya sa pagbuo ng magandang relasyon sa Tsina at handang panalitihin ang pakikipagpalitan sa Tsina.
Pinahahalagahan ng Britanya ang suporta ng Tsina para sa multilateralismo, at inaasahan na ang Tsina ay gaganapin ang mas malaking papel sa mga isyung pandaigdigan at panrehiyon.
Nagpalitan din ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa mga maiinit na isyung tulad ng krisis ng Ukraine.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil