Beijing – Isang liham na pambati ang ipinadala ngayong araw, Huwebes, Hulyo 6, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagdiriwang ng Ika-70 Anibersaryo ng “Icebreaking Mission” sa Kalakalan sa pagitan ng Tsina at Britanya.
Tinukoy ni Xi na 7 dekada na ang nakakaraan, napansin ng mga Britanikong mangangalakal sa pamumuno ni Ginoong Jack Perry ang maliwanag na prospek ng Republika ng Bayan ng Tsina at napakalaking potensyal ng kooperasyong Sino-Britaniko, bagay na nakapagbukas sa tsanel ng pagpapalitang pangkalakalan ng dalawang bansa.
Aniya, sumaksi at aktibong sumali ang ilang henerasyon ng misyon ng “icebreaker” sa usapin ng pag-unlad at reporma ng Tsina, at naisakatuparan ang sariling pag-usbong sa ilalim ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Batay sa katotohanan, ang kooperasyong Sino-Britaniko ay nakakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at nakakatulong sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Umaasa aniya siyang mamanahin ng mga personaheng may pangmalayuang pananaw sa iba’t-ibang sirkulo ng dalawang bansa ang diwa ng pagbasag sa yelo, buong sikap na lilikhain ang bagong kayarian ng kooperasyon at win-win na situwasyon, pasusulungin ang pagbuo ng bukas na kabuhayang pandaigdig, at gagawin ang mas malaking ambag sa mapagkaibigang kooperasyon ng Tsina at Britanya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio