Sa kanyang pakikipagtagpo Disyembre 6, 2023 sa Beijing kay Parnpree Bahiddha-Nukara, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Thailand, inihayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na patuloy na susuportahan ng kanyang bansa ang pagtahak ng Thailand sa landas ng modernisasyong angkop sa sariling kalagayan, at pagpapatingkad nito ng mas mahalagang papel sa arenang pandaigdig.
Kasama ng panig Thai, nakahanda aniya ang panig Tsino na ipatupad ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, mainam na itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Thailand, at pasulungin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.
Ayon naman kay Parnpree, handang palakasin ng Thailand ang estratehikong pakikipag-ugnayan, at palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa Tsina.
Sumang-ayon din ang kapuwa panig na pahigpitin ang koordinasyon, at pasulungin ang pag-a-upgrade ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), upang ihatid ang benepisyo sa mga mamamayan ng rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio