Telecom fraud, patuloy na lalabanan ng Tsina't Myanmar

2023-12-07 16:07:03  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo, Disyembre 6, 2023, kay U Than Swe, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Myanmar, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na natamo ng kooperasyon ng dalawang bansa ang mabuting bunga sa paglaban sa telecom fraud at pagliligtas sa mga biktima. 

Aniya, dapat palakasin ng Tsina't Myanmar ang kooperasyong panseguridad at pagpapatupad ng batas, para ganap na masawata ang online gambling at cyber scam. 


Sinabi naman ni U Than Swe, na malakas na nilalabanan ng Myanmar ang mga cross-border na krimeng kinabibilangan ng online gambling at cyber scam.


Isasagawa rin aniya ang komprehensibong pakikipagkoordinasyon sa Tsina hinggil dito. 


Ang naturang pagtatagpo ay ginanap bago ang Ika-8 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), Disyembre 7, 2023, sa Beijing.


Kaugnay nito, sinabi ni Wang, na kasama ng mga bansa ng Lancang-Mekong, magsisikap Tsina upang mabuting maidaos ang naturang pulong tungo sa magkakasamang pagpapasulong ng kasaganaang panrehiyon. 


Sinabi rin ni U Than Swe na napakahalaga ang katuturan ng Ika-8 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng LMC, at inaasahan niyang magkakaroon ng mas malakas na kooperasyon ang Myanmar at Tsina para magtagumpay ito. 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio