Tsina, Thailand, Myanmar, at Laos, magsasagawa ng espesyal na magkakasanib na operasyon laban sa pagsusugal at pagdaraya

2023-08-19 16:34:48  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng Ministry of Public Security ng Tsina, nagpulong noong Martes at Miyerkules, Agosto 15 at 16, 2023, sa Chiang Mai ng Thailand, ang ministring ito, National Police ng Thailand, Myanmar Police Force, at Ministry of Public Security ng Laos, kung saan sumang-ayon silang pasimulan ang isang espesyal na magkakasanib na operasyon laban sa pagsusugal at pagdaraya sa rehiyong ito.

 

Nakatuon din ang operasyong ito sa pagpupuslit ng tao, pagdudukot, ilegal na detensyon, at iba pang krimen, dagdag ng naturang ministri.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos