Komprehensibo at estratehikong kooperasyon ng Tsina at Myanmar, patuloy na pasusulungin

2023-05-03 18:25:12  CMG
Share with:

 

Kinatagpo kahapon, Mayo 2, 2023, sa Nay Pyi Daw, Myanmar, si Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ni Min Aung Hlaing, kataas-taasang lider ng Myanmar.

 

Sinang-ayunan ng dalawang panig ang patuloy na pagpapasulong ng komprehensibo at estratehikong kooperasyon ng Tsina at Myanmar.

 

Sinabi ni Qin, na dapat buong husay na ipatupad ang mga bungang narating sa pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Myanmar noong 2020, itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa, at magkasamang pasulungin ang pagpapatupad ng Global Development Initiative, Global Security Initiative, at Global Civilization Initiative.

 

Ipinahayag din ni Qin ang pagsuporta ng Tsina sa katatagan at kaunlaran ng Myanmar, at kahandaang magbigay-tulong sa Myanmar sa pagpapaunlad ng kabuhayan, agrikultura, edukasyon, serbisyong medikal, at iba pa.

 

Hinahangaan naman ni Min Aung Hlaing ang obdiyektibo at makatarungang posisyon ng Tsina sa mga isyung may kinalaman sa Myanmar.

 

Pangangalagaan aniya ng Myanmar, kasama ng Tsina, ang katahimikan sa purok hanggahan ng dalawang bansa.


Editor: Liu Kai