CMG Komentaryo: pagharap sa hamon ng klima, laging aktibong pinapasulong ng Tsina

2023-12-12 08:11:22  CMG
Share with:

Palagiang aktibong pinapasulong ng Tsina ang global climate governance, at ang ginawang sigasig nito ay hindi lamang kinikilala ng iba’t ibang panig, kundi nakapagpasigla ng positibong puwersa para sa Ika-28 Sesyon ng Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28).

 

Bilang mahalagang miyembro ng mga umuunlad na bansa at isang bagong-sibol na ekonomiya, ang Tsina ay nagbibigay-ambag sa leap-forward development ng transpormasyon ng enerhiya, at nakakapagpasulong sa koordinadong pag-unlad ng kabuhayan, lipunan at kapaligiran, at proseso ng multilateralismo ng global climate governance.

Halimbawa, mas mababa kaysa mga pangunahing maunlad na bansa ang kabuuang bolyum at per capita share ng pagbuga ng karbon ng Tsina.

 

Samantala, walang patid na pinag-iibayuhin ng bansa ang inobasyong panteknolohiya, upang mapasulong ang malaking pagbaba ng gastos ng renewable energy.

 

Bukod pa riyan, nitong nakalipas na mahabang panahon, nananangan sa katarungan ang Tsina sa arenang pandaigdig, at nakakapagpalakas ng diyalogo sa pagharap sa pagbabago ng klima sa mga umuunlad na bansa at maunlad na bansa, para hanapin ang komong kapakanan.

 

Pinapasulong din nito ang konstruktibong kooperasyon, hinihimok ang iba’t ibang bansa na ibahagi ang mga karanasan at praktika, at pinapasulong ang pagkakaroon ng mas inklusibo, maliwanag at pragmatikong komong palagay.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil