Hanoi, Biyetnam – Sa pagtatagpo, Disyembre 12, 2023 nina Cai Qi, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Miyembro ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC; at Truong Thi Mai, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Pirmihang Miyembro ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPV, inihyag ng panig Tsino, na sa pamamagitan ng isang serye ng mahahalagang petsa na gaya ng pormal na pag-uusap, parehong sumang-ayon ang mga kataas-taasang lider ng CPC at CPV na ibayo pang palalimin at pataasin ang komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng Tsina at Biyetnam, at buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan at estratehikong kahulugan.
Aniya, dapat pag-aralan ng magkabilang panig ang mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang partido, palalimin ang sinerhiya ng mga estratehiyang pangkaunlaran, at pag-ibayuhin ang pragmatikong kooperasyon.
Sinabi naman ng panig Biyetnames, na napakatagumpay ng pag-uusap ng mga lider ng CPV at CPC.
Ipinagkaloob aniya ng pagtatagpo ang makabagong lakas sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang partido at dalawang bansa, at tiyak na magpapalawak at magpapalalim sa bilateral na kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.
Dapat ipatupad ang mga komong palagay ng mga kataas-taasang lider ng CPV at CPC, sa pamamagitan ng konkretong aksyon, aniya pa.
Matatag din aniyang sumusuporta ang Biyetnam sa iba’t-ibang pandaigdigang inisyatibang iniharap ng panig Tsino.
Ang mga inisiyatibang ito ay angkop sa kapakanan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa at diwa ng Karta ng United Nations (UN) at pandaigdigang batas, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Xi Jinping at Tagapangulo ng Pambansang Asembleya ng Biyetnam, nagtagpo
Xi Jinping at Tagapangulo ng Pambansang Asembleya ng Biyetnam, magtatagpo
Bagong antas ng relasyon ng partido at bansa, ipinatalastas ng mga lider ng Tsina at Biyetnam
Peng Liyuan at Ngo Thi Man, bumisita sa Vietnamese Women's Museum