Pananalita ng Britanya hingil sa HKSAR, ipokrisiya - Tsina

2023-12-14 16:37:09  CMG
Share with:

Matapos makipagtagpo kamakailan ni David Cameron, mataas na diplomata ng Britanya kay Jimmy Lai Chee-ying, isang instigador ng kaguluhan sa Hong Kong, inihayag ng Tanggapang Panlabas ng Britanya ang pagtutol sa National Security Law ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

 

Kaugnay nito, sinabi Disyembre 13, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinakikita ng ipokritong pananalita ng Britanya hinggil sa National Security Law ng Hong Kong ang pagkakaroon nito ng dobleng istandard.

 


Nitong nakaraang 3 taon sapul nang ipinatupad ang National Security Law, mahigit 80% ng mga taga-Hong Kong ang naging mas ligtas, aniya.

 

Ani Mao, sa kabila ng pagsulong ng Hong Kong mula kaguluhan patungo sa katatagan at kasaganaan, nakakatawa ang mga pananalita ng Britanya.

 

Hinimok niya ang Britanya na aktuwal na igalang ang katotohanan at batas, at itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at isyung panloob ng Tsina.

 

Salin:Sarah