Pangulong Tsino at Pangulong Kenyan, nagpalitan ng mensaheng pambati sa ika-60 anibersaryo ng relasyong diplomatiko

2023-12-15 16:48:08  CMG
Share with:

Nagpalitan Disyembre 14, 2023 ng mensaheng pambati sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong William Ruto ng Kenya, bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Tinukoy ni Xi na nitong 60 taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Kenya, palagiang nagtutulungan at magkasamang umuunlad ang dalawang bansa, naging matalik na kaibigan na nagtitiwalaan sa isa’t isa sa pulitika, at mabuting partner na nagtutulungan sa isa’t isa sa kabuhayan.

 

Saad niya na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyong Sino-Kenyan at nakahanda magsikap, kasama ng Kenya, upang gawing ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko bilang bagong punto ng pagsisimula, para tahakin ang natatanging landas ng kooperasyon sa proseso ng pagsasakatuparan ng pag-unlad at pagbangon ng kani-kanilang bansa, at magkasamang itatag ang mas mahigpit na komunidad ng may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Kenya sa bagong panahon.

 

Sinabi ni Ruto na nakahanda ang Kenya na magsikap, kasama ng Tsina, para isakatuparan ang bunga ng ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation at China-Africa Leaders’ Dialogue sa Johannesburg, para ang relasyon ng dalawang bansa ay maghatid ng maliwanag na kinabukasan ng kaunlaran, kasaganahan, at pagkakaibigan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil