Komprehensibo, estratehiko’t kooperatibong partnership ng Tsina’t Kenya, pasusulungin

2023-10-19 12:21:52  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Miyerkules, Oktubre 18, 2023 sa Beijing kay Pangulong William Ruto ng Kenya, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na itinayo ng Tsina at Kenya ang mga proyektong pangkooperasyon na kinabibilangan ng Mombasa-Nairobi Railway at oil terminal sa puwerto ng Mombasa, nitong nakalipas na ilang taon.

 

Dahil dito, tumaas aniya ang persepsyon ng pakinabang sa isipan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Aniya, tinitingnan ng Tsina ang relasyong Sino-Kenyan batay sa estratehiko’t pangmalayuang anggulo, at kasama ng Kenya, walang humpay na isusulong ng Tsina ang pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership.

 


Saad naman ni Ruto, malaking itinaas ng mahahalagang proyektong gaya ng Mombasa-Nairobi Railway ang kakayahan ng Kenya sa pagpapaunlad ng kabuhayan, at ito rin ay nagbigay ng benepisyo sa mga mamamayan.

 

Nananalig aniya siyang ibayo pang makakatulong sa pagsasakatuparan ng industriyalisasyon, modernisasyong agrikultural at integrasyong ekonimiko ang 8 pangunahing hakbang para sa de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI) na iniharap ni Pangulong Xi.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio