Tsina at Kenya, pasusulungin ang kooperasyon sa loob ng balangkas ng Belt and Road

2023-07-23 17:55:46  CMG
Share with:

 

Kinatagpo kahapon, Hulyo 22, 2023, sa Nairobi, Kenya, si Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, ni Pangulong William Ruto ng bansang ito.

 

Sinabi ni Wang, na kailangang palakasin ng Tsina at Kenya ang estratehikong patnubay ng mga lider ng dalawang bansa, palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, at dagdagan ang pagpapalitan sa pagitan ng pamahalaan at mga partidong pulitikal sa iba’t ibang aspekto.

 

Nakahanda rin aniya ang Tsina, kasama ng Kenya, na pasulungin ang kooperasyon sa daambakal, haywey, abiyasyon, impormasyon, at iba pang mga aspekto sa loob ng balangkas ng Belt and Road, Global Development Initiative, at "siyam na programa" ng Porum sa Kooperasyon ng Tsina at Aprika.

 

Sinabi naman ni Ruto, na ang pagpapalakas ng pakikipagkooperasyon sa Tsina ay naging komong palagay ng iba’t ibang sector ng Kenya.

 

Palalalimin aniya ng Kenya, kasama ng Tsina, ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa, at pasusulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa ilalim ng Belt and Road at Porum sa Kooperasyon ng Tsina at Aprika.


Editor: Liu Kai