Xi Jinping, hiniling na buong sikap na tugunan ang mga napahamak sa panahon ng taglamig

2023-12-16 13:59:08  CMG
Share with:

Ginawa kahapon, Disyembre 15, 2023, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang instruksyon sa pag-iwas at pagtugon sa mga kapahamakang dulot ng mababang temperatura, pag-ulan, pagniniyebe, at pagyeyelo.

 

Tinukoy ni Xi, na dumadaluhong ngayon ang malakas na ulan at niyebe sa maraming lugar ng Tsina, at nagbibigay ito ng malaking epekto sa suplay ng kuryente, transportasyon, produksyon at buhay ng mga tao.

 

Hiniling niya sa mga kinauukulang lugar at departamento, na gawin ang buong sikap na tugunan ang lahat ng mga napahamak, tiyakin ang suplay ng enerhiya at pagkain, para magbigay-ginhawa sa pamumuhay ng mga mamamayan sa panahon ng taglamig.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos