Xi Jinping: Pagkaunawa sa modernisasyong Tsino, susi para maunawaan ang Tsina

2023-12-02 17:04:11  CMG
Share with:

Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa 2023 Understanding China Conference na binuksan ngayong araw, Disyembre 2, 2023, sa Guangzhou, lunsod sa katimugan ng bansa.

 

Tinukoy ni Xi, na para maunawaan ang Tsina, ang susi ay pagkaunawa sa modernisasyong Tsino. Aniya, sa pamamagitan ng sariling landas tungo sa modernisasyon, pinasusulong ng Tsina ang pagtatatag ng malakas na bansa, pagbangon ng nasyon, at pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Sinabi ni Xi, na buong tatag na isinasakatuparan ng Tsina ang de-kalidad na pag-unlad sa pamamagitan ng pagbubukas sa labas sa mataas na lebel, tuluy-tuloy na nililikha ang kapaligirang pangnegosyo batay sa pamilihan, batas, at mga pandaigdigang pamantayan, at unti-unting pinalalawak ang institusyonal na pagbubukas sa mga aspekto ng tuntunin, regulasyon, pangangasiwa, at pamantayan.

 

Dagdag niya, palalawakin ng Tsina ang komong interes kasama ng iba’t ibang bansa, idudulot ang mga bagong lakas at bagong pagkakataon sa daigdig sa pamamagitan ng sariling pag-unlad, at magsisikap ang Tsina kasama ng iba’t ibang bansa para isakatuparan ang modernisasyon ng daigdig batay sa kapayapaan, kaunlaran, mutuwal na kooperasyon, at komong kasaganaan.


Editor: Liu Kai