Artikulo ni Xi Jinping sa pangangalaga sa bukirin, ilalabas

2023-11-30 16:32:23  CMG
Share with:

Ilalabas Biyernes, Disyembre 1, 2023 sa ika-23 isyu ng Qiushi Journal, pangunahing magasin ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang artikulo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, hinggil sa pangangalaga sa bukirin at komprehensibong paggamit ng saline-alkali na lupa.

 

Ayon sa artikulo, dapat malalimang maunawaan ang kahalagahan at importansya ng agarang pagpapalakas ng pangangalaga sa bukirin.

 

Iniharap din nito ang pangkalahatang kaisipan at mga masusing hakbangin sa pagpapalakas ng pangangalaga sa bukirin.

 

Anang artikulo, ang komprehensibong paggamit ng saline-alkali na lupa ay mahalagang aspekto ng pangangalaga sa bukirin, kaya dapat pabutihin ang usaping ito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio