Impeksyon ng COVID-19 sa Tsina, mababa - awtoridad ng kalusugan ng Tsina

2023-12-18 16:16:17  CMG
Share with:

Sa preskon, Disyembre 17, 2023, sa Beijing, sinabi ni Chang Zhaorui, Mananaliksik ng Chinese Center for Disease Control and Prevention, na mababa ngayon ang bilang ng impeksyon ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Tsina.

 

Wala rin aniyang bagong natuklasang hindi kilalang virus at bakterya sa mga respiratory disease sa bansa.

 

Ayon naman kay Mi Feng, Tagapagsalita ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, na epektibong natutugunan ng mga fever clinic sa primaryang lebel ang bilang ng mga may sakit. 

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio