Rusya, di-interesadong makipagdigma sa NATO

2023-12-18 16:18:04  CMG
Share with:

Sa panayam sa isang lokal na istasyon ng telebisyon, Disyembre 17, 2023, sinabi ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na hindi intersado ang kanyang bansa na makipagdigma sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).

 

Sa anggulo ng kapakanang heopulitikal, ekonomiko at militar, hindi aniya makakabuti sa Rusya ang paglulunsad ng digmaan.

 

Ayaw ng Rusya na sirain ang relasyon sa NATO, at sa katunayan, balak nitong paunlarin ang relasyon sa mga bansa ng NATO, dagdag niya.

 

Sa kabila nito, sinasadya aniyang likhain ng NATO ang mga problema, dahil ang Rusya ay isang di-inaasahang kakompetisyon.

 

Matatandaang ang Finland ay naging ika-31 kasapi ng NATO nitong nagdaang Abril.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Putin, na naresolba na ang alitan sa pagitan ng Rusya at Finland, pero kasabay ng pagsapi nito sa NATO, mahaharap sa problema ang dalawang bansa.

 

Nagbabala si Putin, na itatayo ng Rusya ang Leningrad Military District.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio