Pangulong Tsino, pinakinggan ang ulat mula sa Punong Ehekutibo ng Macao SAR

2023-12-19 17:01:00  CMG
Share with:

Nakipagtagpo Disyembre 18, 2023, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Ho Iat Seng, Punong Ehekutibo ng Macao Special Administrative Region (SAR).

 

Sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at  Ho Iat Seng, Punong Ehekutibo ng Macao SAR (photo from Xinhua)


Sa pagtatagpo, pinakinggan ni Xi ang ulat ni Ho hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng Macao at gawain ng pamahalaan ng Macao SAR.

 

Sa pagpupuri sa gawain ni Ho sa nakalipas na taon, sinabi ni Xi na ang pamumuno ni Ho sa pamahalaan ng Macao SAR ay masigasig sa kanyang pagganap sa tungkulin, nananatiling nakatuon sa mga resulta at masipag, matagumpay na natapos ang pag-amyenda ng Batas sa Pag-iingat ng Pambansang Seguridad sa Macao SAR, at pagkuha ng maayos na hakbangin para isulong ang gawaing amyendahan ang mga batas ng rehiyon para sa paghalal sa punong ehekutibo at pambatasang konseho nito.

 

Sinabi din niya na pinalakas ng pamahalaan ng Macao SAR ang pamamahala ng gaming sector ng rehiyon at gumawa ng unang komprehensibong plano ang Macao para sa sari-saring pag-unlad nito.

 

May mga bagong tagumpay na nagawa sa pagtatayo ng Guangdong-Macao in-depth cooperation zone sa Hengqin, at ang internasyonal na pagpapalitan at pagtutulungan ay higit pang pinalawak, ani Xi.

 

Nakamit ng Macao ang mabilis na pagbangon ng ekonomiya habang pinapanatili ang harmoniya at katatagan ng lipunan, dagdag pa niya.

 

Sinabi ni Xi na ganap na kinilala ng mga sentral na awtoridad ang gawain ni Ho at pamahalaan ng Macao SAR.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil