Sa isang panayam Disyembre 16, 2023, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas na ang isang mas asertibong Tsina ay nagdulot ng totoong hamon para sa mga kapitbansa nito sa Asya.
Aniya, lumalakas ang pagtutulugan ng Pilipinas at Hapon at dapat isagawa ang trilateral na kooperasyon kasama ng Amerika.
Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 18, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa nakalipas na ilang buwan, lumalabag ang Pilipinas sa mga komong pagkakaunawaan sa Tsina at pinapalala ang tensyon sa South China Sea (SCS), Pilipinas ang nagtangkang baguhin ang kasalukuyang katayuan ng Ren’ai Jiao at gawing itong fait accompli, at ang Pilipinas na sa bawat okasyon ay nanliligaw ng puwersang labas para bigyan ng presyur ang Tsina.
Binigyan diin ni Wang na sa mula’t mula pa’y, nagsisikap ang Tsina para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng SCS sa pamamagitan ng diyalogo’t konsultasyon sa mga bansang ASEAN, kabilang ang Pilipinas.
Kasabay nito, buong tatag na pangangalagaan ng Tsina ang soberanya ng teritoryo at karapatang pandagat.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio